back to main
_Davao City, Philippines Monday | February 13, 2006
Web
Davaotoday.com

Stories
Commentary
Column
Inbox
Letters to the Editor
Bulletin Board

'LQ' ni GMA sa mga kumpanya ng langis, gawa-gawa lang -- KMU

Tinawag ng militanteng sentrong unyon na Kilusang Mayo Uno (KMU) ang kautusan ng palasyo na magpaliwanag ang mga dambuhalang kumpanya ng langis sa pinakabagong pagtataas sa presyo ng krudo bilang gawa-gawang love quarrel o LQ. Ani KMU, taktika lamang ito ng palasyo para maiwasan ang mga kritiko nito hinggil sa pagpataw sa 2% Value Added Tax (VAT). Nagtaas naman ang presyo ng langis sa kabila ng pagtatag ng piso kontra dolyar.

Ani Pambansang Tagapangulo ng KMU na si Elmer Labog, "Matagal nang may 'unwritten sweetheart deal si Mrs. Arroyo at mga kumpanya ng langis. Pareho silang nakikinabang sa deregulasyon sa nasabing industriya. Patuloy ang pagkita ng gobyernong Arroyo mula sa limpak-limpak na buwis mula sa pagbebenta ng mga kumpanya ng langis samantalang ang mga kumpanya ng langis ay hindi naman napipigilan sa pagtaas ng presyo."

Binatikos din ni Labog ang di pagsama sa 'no pass-on provision' sa Reformed VAT. And hindi pagsama ng nasabing probisyon, aniya, ay napakinabangan ng mga kumpanya ng langis samantalang disbentahe naman ito sa maliliit na drayber at ordinaryong mamamayan na silang nagdurusa sa mga pagtaas ng presyo. Sa gitna nito, nagkamit naman ng pinakalamalaking mga kita ang mga dambuhang kumpanya ng langis.

"Oo, gusto namin ng 'written explanation' mula sa mga kumpanya ng langis sa kanilang mga pagtataas,' giit ni Labog, "At gusto rin naming magbigay ng "written explanation" si Mrs. Arroyo kung bakit itinulak niya ang anti-mamamayan at regresibong mga buwis sa panahong naghihikahos ang mamamayan."

Iginiit din ng lider-manggagawa na magpaliwanag si Mrs. Arroyo hinggil sa fertilizer scam, EO 464, pandaraya sa eleksyon at lahat ng kalokohan at kasalanan nito sa mamamayan.

"Dinurog ni Mrs. Arroyo ang aming puso," dagdag pa ni Labog sa gitna ng pagbabalewala ng gobyerno sa matagal nang kahilingan ng mga manggagawa para sa disenteng pasahod.

Sa pagtatapos ng linggo,  nagtaas ng .50 sentimos kada litro ang presyo ng gasolina, diesel at kerosene ang Pilipinas Shell Petroleum Corp., Caltex Philippines Inc. and Petron Corp. na sinundan ng iba pang maliliit na kumpanya.

Bukod pa rito, nagtaas na ang presyo ng unleaded nang 70 sentimos kada litro habang nagtaas naman ng 60 sentimos kada litro ang diesel dahil sa epekto ng 2% VAT. Tumaas din ang presyo ng LPG nang P8.90-P9.80 kada kg.

Samantala, binira rin ng KMU ang pahayag ng ilang lider sa transport na nagsasabing payag silang ipagpatuloy ang .50 sentimos diskwento sa pamasahe sa kabila ng 50 sentimos pagtaas sa presyo ng diesel, "Malinaw na gimik pampulitika ito dahil ang mga lider sa transport na ito ay hindi ipinagtatanggol ang interes ng kanilang kinakatawan. Imbes na iprotesta ang pagtaas sa presyo ng langis, nagpapagamit sila sa gobyernong Arroyo at mga dambulang kumpanya ng langis para itago ang katotohanan na hindi na kaya pa ng ordinaryo at maliliit na drayber ang patuloy na pagtaas sa presyo ng langis at dagdag-buwis."

 
OTHER STORIES

Mediation Rules to further the growth of construction industry

KMU nangangamba sa panibagong tanggalan sa ABS-CBN

'LQ' ni GMA sa mga kumpanya ng langis, gawa-gawa lang -- KMU

Indonesia - Supreme Court rules in favour of Indonesian journalists: IFJ calls for step up of decriminalising defamation campaign in Indonesia


COMMENT ON THE STORY
Name:
Email:
Comments





 

 
GUIDES
Restaurants
& Bars
Food Delivery
Movies
Shows & Gigs
Shopping
Tourists' Guide
Flight Schedules
Bus Schedules
Ship Schedules
Museums
Churches
Media
Weather
Parks & Playground





 
 
| about us | advertise online | archive | contact us | terms of use | private policy |
© Copyright DavaoToday 2005 | All Rights Reserved
Hosted by Web Host Philippines