back to main
_Davao City, Philippines Monday | February 13, 2006
Web
Davaotoday.com

Stories
Commentary
Column
Inbox
Letters to the Editor
Bulletin Board

KMU nangangamba sa panibagong tanggalan sa ABS-CBN

Nangangamba ang Kilusang Mayo Uno (KMU) sa posibleng malawakang tanggalan sa ABS-CBN dulot ng Ultra Tragedy.  Bunsod ito ng malaking pera na nilabas ng ABS-CBN para bayaran ang pagpapalibing ng mga nasawi at pagpapagamot ng nasugatan. 

Ayon kay Joel Maglunsod, Pangkalahatang Kalihim ng KMU, "Sa tuwing malulugi ang mga kumpanya, unang napeperwisyo ay ang trabaho ng mga manggagawa.  Sa mata ng mga kapitalista, ito ang mabilis na paraan para makabawas sa gastos."  

Milyones na ang inilabas ng ABS-CBN dahil sa Ultra Tragedy at posibleng ilang ulit pa nito ang kanilang gagastusin sa oras na magsampa ng mga kaso ang mga pamilya ng biktima para sa danyos.  "Huwag nilang ipasa sa mga manggagawa sa pamamagitan ng tanggalan ang pagliit ng kanilang tubo dulot ng pangyayari nuong Peberro 4, 2006," babala ni Maglunsod.

Matatandaang nagtanggal ng 350 empleyado ang ABS-CBN nuong nakaraang taon, kasama na rito ang mga beteranong mga mamahayag tulad nila Melo del Prado at Joey Falcon.  Ayon sa ABS-CBN Management, redundancy ang pangunahing dahilan sa tanggalan.

Tila nakumpirma ang ganitong pangamba ng banggitin ni Laura Dy-Liaco ng ATR-Kim Eng Securities at Manny Cruz ng Belson Securities Inc. na magkakaroon ng ilang short-term effect sa ABS-CBN dahil sa naganap na trahedya.

"Mahalagang maging mapagbantay ang mga empleyado ng ABS-CBN sa posibleng hakbangin ng management para ipasa sa kanilang ang problema," dagdag ni Maglunsod. 

"Pinakamabuti nito, ngayon pa lamang ay mangako na ang management ng ABS-CBN sa kanilang mga empleyado na walang magaganap na downsizing at tanggalan ng trabaho para mapawi ang ganitong mga agam-agam," pagtatapos ni Maglunsod.

 
OTHER STORIES

Mediation Rules to further the growth of construction industry

KMU nangangamba sa panibagong tanggalan sa ABS-CBN

'LQ' ni GMA sa mga kumpanya ng langis, gawa-gawa lang -- KMU

Indonesia - Supreme Court rules in favour of Indonesian journalists: IFJ calls for step up of decriminalising defamation campaign in Indonesia


COMMENT ON THE STORY
Name:
Email:
Comments





 

 
GUIDES
Restaurants
& Bars
Food Delivery
Movies
Shows & Gigs
Shopping
Tourists' Guide
Flight Schedules
Bus Schedules
Ship Schedules
Museums
Churches
Media
Weather
Parks & Playground





 
 
| about us | advertise online | archive | contact us | terms of use | private policy |
© Copyright DavaoToday 2005 | All Rights Reserved
Hosted by Web Host Philippines